Saturday, October 9, 2010

mAh evAluatiOn

Evaluation:

Tatagalugin ko na po para mas maintindihan!

Isa sya sa mga C.I. na aking naging kaclose ng sobra. Lagi kong kasama sa bungisngisan, sa tawanan at minsan sa iyamutan. Pede na nga syang tatakan ng PANG-I sa noo kasi sobrang lakas ng pang iyamot, laging nagtritrip, pero alam ko naman na Iyon lang ang paraan niya para hindi maboring ang mga estudyante sa kanya!

SIR!! SARAP NIYO PONG BADTRIPIN. Yung tipong kukunot na yung noo at tutubuan ng sungay, pero isang ngiti lang ngingiti din yan. Ano kaya daw yun?

Sobrang strict pag dating sa oras, kulang na lang lagi mong bitbitin ang malaking relo O orasan upang kada SEGUNDO ay papahalagahan mo. Iyan si SIR!!!!

Mahilig ko syang tingnan at pag nagkatinginan na kame ay nag ngingitian. Mahilig MAMBARA! OO masarap kasama si SIR pag nasa biruan, pero pag dating sa seryosan kelangan seryoso na talaga! Napaka higpit pag dating sa charting, plotting at pag bibigay ng gamot para sa pasyente.

Yung tipong makikita mo na lang na sumasayaw at sasabihin na iyon daw ang sayaw na pang Morong. Mahilig mag kwento ng kung anu-ano at talagang nailalabas ang mga gusto niyang sabihin kahit maganda ba ito o nakakasakit!

SIR PANG-I, thank you po ng sobra! Sa 2 weeks na yun sobra akong nag-enjoy kahit na nakatayo kame lagi at meron ng kalyo ang dalawa kong paa. Natuto po ako ng sobra!

TENK U!

David Cook - This Is The Time Of My Life

David Cook - This Is The Time Of My Life

I’ve been waiting for my dreams
To turn into something
I could believe in
And looking for that
Magic rainbow
On the horizon
I couldn’t see it
Until I let go
Gave into love and watched all the bitterness burn
Now I’m coming alive
Body and soul
And feelin’ my world start to turn
And I’ll taste every moment
And live it out loud
I know this is the time,
This is the time
To be more than a name
Or a face in the crowd
I know this is the time
This is the time of my life
Time of my life
Holding onto things that vanished
Into the air
Left me in pieces
But now I’m rising from the ashes
Finding my wings
And all that I needed
Was there all along
Within my reach
As close as the beat of my heart
So I’ll taste every moment
And live it out loud
I know this is the time,
This is the time to be
More than a name
Or a face in the crowd
I know this is the time
This is the time of my life
Time of my life
And I’m out on the edge of forever
Ready to run
I’m keeping my feet on the ground
My arms open wide
My face to the sun
I’ll taste every moment
And live it out loud
I know this is the time,
This is the time to be
More than a name
Or a face in the crowd
I know this is the time
This is the time of my life
Time of my life
More than a name
Or a face in the crowd
This is the time
This is the time of my life.

-- ILOVE this sOng.. sObrng nakakareLate akO! ika kO nga timE wOul cOme and the pAin wOuld heaL!

my first duty iN pEdia wArd

12/ 04/ 09 (Friday)

It was the first time of our duty in Pedia ward in Antipolo District Hospital at the time of 6am-2pm. Our clinical instructor is Ma’am Gonzales. We arrived in the hospital at 5:45, exact time because first time of our duty. When the C.I. came, she told us to wear the cap and apron. After that, our C.I. oriented the different policy inside the hospital. She also had known the vision and mission, color coding of the medication and the normal vital signs. That time were not allowed to handle the patient.

aWwWwW!

SO TRUE!! JUST READ IT..

Sabi nila pag daw gwapo ang lalake..
Maganda yung GIRL FRIEND..
Almost perfect pa nga daw..

Pero pansin nyo,
Pag ang girl ang maganda,
Hindi lahat ng nagiging BOYFRIEND nya gwapo.. DIBA?

Ang GIRL kasi,
Mas tinitingnan yung ugali than LOOKS.

Pero ang BOY,
Basta maganda at MALAKI ang CHURVA,
Kahit pa ugaling IMPAKTA,
At utak SHUNGA-SHUNGA,
Ay pede na!


PLAKDA! haha

Thursday, August 26, 2010

eRrRrR!

Kundiman
Para kang asukal
Sintamis mong magmahal
Para kang Pintura
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Para kang unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot
Na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot

Refrain:
Kaya't wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang mawala

Chorus:
Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
nandito lang ako
laging umaalalay
hindi ako lalayo
Dahil ang taning panalangin ko ay ikaw

II.
Di baleng maghapon na umulan
Basta't ikaw ang sasandalan liwanag
Ng lumulubog na araw
kay sarap pagmasdan
Lalo na kapag nasisinagan ang iyong mukha
Ayoko nang magsawa
hinding hindi magsasawa sa iyo
(REPEAT REFRAIN AND CHORUS)

Bridge:
Bahala na ayoko muna magsalita
hayaan na muna natin
ang hatol ng tadhana
(REPEAT CHORUS)
Dahil ang tanging panalangin,
Dahil ang tangin panalanigin ko ay ikaw…
Reaction:
I really love this song, I don’t know why? But I think it’s because of my past. I don’t like to open anything about my past but every time I heard the song by Silent Sanctuary it tears me a lot.
Ika nga nila “wag paka EXPECT” yah it’s right! Ika nga sa tugtog ng KUNDIMAN “kundiman tayo hanggang dulo” o diba? Wag pa ka EXPECT! Wag MAG ASSUME! Ayoko ng mga plano sa buhay, dahil sa mga planong yun ni isa ay walang natutupad.. I hat seeing others crying when the topic is about LOVE! Bakit ba kasi yan iniiyakan? Taeng tanong noh? Pero until now di ko pa din malaman kung bakit? E bakit nga ba?
Siguro nagmahal lang tayo ng sobra kaya natin nagawa yun, pero bakit nila tayo sinasaktan? Bakit sila ganun? Hay! Nagmahal lang naman tayo diba? =( to be cont……..

Sunday, August 8, 2010

ANG MGA LALAKE TALAGA OO..

Ano ba ito? Kaming mga babae nanaman ang nakita. Lalake, agrabyado. Lalake kinakawawa. Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang nag-isa ang mga kabaro ko.
Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig, kami naman ang laging talo a, hindi kayo. Kami ang laging lugi, kami ang laging nawawalan at iniiwan.
Kapag naman ngumiti ka ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang MALANDI. Hindi pang seryosohang relasyon. Marinig lang nila na malakas kang magsalita, PALENGKERA o T.O. na sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa mga babaeng sexy kung manumit. Kulang na lang Makita na kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat desente, dapat mala-angel ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa raw ang mahilig mamili? Parang baliktad?
Ok, ayan na nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka, para habulin ka pa lalo. Kapag hindi naman nag pakipot “easy to get” naman ang tingin sayo. Hindi ka na seryosohin. Sino bang may sabing mag paalila kayo, di naman naming hawak ang buhay nyo. Natural lang na mag tiis kayo, may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng paghihirap niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamomroblema. Para lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang mag-sakripsyo, magtipid at mag tiis. Pag nabili na, napagsawaan wala na, bale wala na. Diyan ka na sa tabi tabi. Tawagan nalang kita pag trip ko o kayay pag may gusto akong ipagawa sayo.
Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang na loob pa natin yun. Dahil naghirap daw sila sa panliligaw, dapat masuklian natin iyon ng higit pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya.
Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando aba, masasakal ka naman. Sasabihin sayo “demanding” ka. Meron ka pang maririnig na “I think we need space” at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing dapat kaming magpakabait, maging devoted at faithful? Kapag kami ang sumuway ng mga iyan, iba na ang tingin sa amin. Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga bansag na itatawag sa amin. Kapag kayo ang gumawa noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa nyo yun. Kaya kami walang magawa. Magpapakaburo at magpapakamadre na lang. kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin? Edi iiyak na lang. Wala naming ibang magagawa eh. Tungkol naman sa tinatawag nyong pagdedemand!! Karapatan lang naming iyon. Karapatan naming na lambingin niyo kami, icheck at ipakita sa amin na mahal nio kami.

Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryosohin din naman kami ah. At ang maturity wala na yan sa edad. Mas maaga nga kaming mag mature sa inyo. Ang isang 19 y/o na lalake eh, isip 15 pa iyun. It follows iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng level ng maturity. Kayo ang mag math. Pati yung pag-iyak naming pinupunterya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak nagbuhos ka ng emosyon dyan. Ang tingin nyo sa amin mga artista?
Alam nyo iyon? Yun bang kulang na lang ay lumuha ka ng dugo, pero hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang pag dradrama. Hindi nila kami maintindihan kapag nagselos kami. Bakit naman kami nagseselos kung wala kaming nakikita? Mas iba kaming mag mahal. Mas masarap. Kapag natapos na ang lambingan, eh di syempre iwanan blues na. Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumayas kapag may nakita ng bago? Sino ba ang mayabang? Sino ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi ang babae pag sinabing “break na tayo” lambingan lang ng konti balikan blues na iyan. Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka dyan. Kahit mag tambling kapa sa harap niya. Wa-epek! Umiyak ka ng bato. Wa-epek. Tsk tsk tsk. Sila pa raw ang kawawa.
Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung anu-ano. Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo. Kapag pumangit ka after break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila. Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat sa buong sangkatauhan na naging girlfriend ka niya. Sala sa init, sala sa lamig.
Ano ba namang buhay to? Ang hirap maging babae noh? Kala nila laging sila na lang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere.
Mga lalake talaga oo..

MGA BABAE TALAGA OO

*gabe, usapang lalake
*sindi ng yosi
*hit-hit
*buga

Musta na pare? Ako, ok lang. Eto, muni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba!!

*hinga ng malalim

Bakit ba ganun pare, ilang beses ko ng pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit ‘sang anggulo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ibang bagay pagdating sa pagmamahal.

*tingin sa stars

Minsan naisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal niya? Ang feeling na masaktan, pag nabasted? Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang pakialam sa paghihirap naten eh. Ang alam lang yata nila ay mamili, manakit at magsaya. Tingin mo?

*tingin sa malayo

Lagi naman ganun. Una palang, lalake na ang naghihirap. Hassle sa atin ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin para masabi natin sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila iyun? Mahirap magsabi na mahal mo yung babae diba? Tapos liligawan pa naten. Papatunayan na mahal nga sila. Susuyuin to the max. maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. kulang na lang e pagsilbihan mo ng walang sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila, oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal nating talaga sila. Basta ang alam nila, kapag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha natin, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa asing buo-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo. Hindi standards o uuwi ka na lang badtrip, iiling-iling at minsan, luhaan.

Wala na tayong magagawa, marami silang alibi. “hindi pa ako ready eh”, “sorry pero I think we should be just friends..”. “ha? Uhmmm.. nagpapatawa ka ba? Hahaha”, “better luck next time na lang muna, ok lang?”, “give me a decade, pag-iisipan ko muna”, “para lang kitang kapatid e”. Isang pagsasaklob ng langit at lupa yon para sa atin.

*kuha ng bote ng beer
*lagok
*lunok

At hindi lang yon tol. Sa pre-relationsihp stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, sa atin pa din ang hassle. Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo, tayo dapat ang magpapakabait, tayo ang magtyatyaga, tayo ang magiging devoted at faithful, tayo, tayo, tayo. Sila? Ummm… teka isipin ko!

Ayun! Sila ang magsasabi kung anong oras dapat tayo magmeet, sila ang magtetext ng mga mushy at kakaibang text, sila ang mag dedemand sayo ng kung anu-ano, sila ang mag babawal, sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag shave, kung kelan pwedeng tumawag sa kanya, kung kelan di sila dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan. Ganun ata talaga.

*kuha ng bote ng beer
*lagok
*lunok

Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi ok. Pag may problema, kasalanan natin. Haaay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila sa ulo. Kaya lang mahal natin kaya di natin iniintindi yun.

*hinga ng malalim

Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. hindi ang parang laru-laro lang. seryoso. At kung magmamahal man tayo, lubus-lubusan, mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadrama-drama, at kung anu-ano pa. hindi lang kababawan. Ka mushyhan. Kababaihan. Iba tayo mag mahal.

At ito pa ang pinakamasaklap.

*singhot
Ang ending ng relasyon. Sa panahong to’ either sawa na sila, hindi nila tayo trip, may nahanap na silang better sa atin o kaya they need fucking space and time muna. Bad trip no? wala na naman tayong coice. Sila ang masusunod.

At ano pa ang kasamang hassle don? Sympre wasak na image natin. Tayo na ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak.

*iiling-iling

Tayo syempre yung antagonist at sila yung bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak. At ang ending: mag-oofer sila ng “friendship” kuno natapos tayong pag sawaan, lahat ng gifts natin sa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, “player” na ang image natin, at higit sa lahat, mag-iisip kung paano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomoblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at din a naman makakatulog.

Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang iniiwan sa ere. Ano? Hindi ka nagsalita? In-love ka no?

Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa stars. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak.

Ang mga babae talaga, oo..